Di mo lang napapansin na siya ay isang Ka-ibigan.
Paano kung nahuhulog ka na?
At ayaw mo lang aminin?
Bakit naman..?
Dahil ba takot ka sa katotohanan na nahuhulog ka na nga?
Dahil ba sa tingin mo "You're better off as Friends"?
Yun' ba talaga ang sigaw ng puso mo o
Yun' lang ang pilit ng isip mo?
Teka'...Paano mo nga ba malalaman na siya na nga?
Dahil ba siya yung nandyan pag malungkot ka?
Dahil siya ang may alam ng mga problema mo sa buhay at sa Love?
Teka'...Baka naman Bestfriends lang talaga kayo? o
Baka naman siya nga yung nakakapagpasaya sayo?
Dahil siya yung nakakapagpangiti sayo
Dahil kahit inayaw ka na ng lahat at ginusto mo andyan parin siya.
Nagpapakatanga.
Siya na nga siguro kung ganon nga
Alam mo yun?
Reject ka na nga, ginusto ka pa niya higit pa dun
Minahal ka niya! Pinaglaban ka kahit na nilalabanan mo siyang mahalin
Bago mo i-rason yung laspag na linyang "Eh, we're really better off as Friends"
Tignan mo muna kung mahal ka niya
Tapos lagi mo nalang sinasabing "Ang malas ko at walang nagmamahal sakin!"
Hello?
Nagpapakamanhid ka lang
Siguro mahal ka nga niya
Eh bahala ka,
Minsan lang dumadaan ang taong itinadhanang mamahalin ka ng buong puso
At buong pagkatao.
Yung papakawalan ang lahat para sayo..
Maswerte ka nalang kung dumaan ulit siya sa harap mo.
You know, It is called “Once in a lifetime”
Or
A reason.
Think long and hard and you will see
Siya na nga.





0 Comments:
Mag-post ng isang Komento